STARTUP NEWS ASIA

Asia's tech startup news

in Tagalog

Balita sa Asya ng mga Nagsisimulang Kumpanya na Teknolohikal

Ang aming pakay ay simple:

Ang makapaghatid ng pang-araw-araw na pagtalakay ng mga nagsisimulang kumpanya na teknolohikal mula Timog at Timog-Silangang Asya, Australya, at Niyusiland, na nakatuon sa mga pagpapaunlad ng teknolohiya sa 17 bansa

Maraming mga bahagi sa Balita sa Asya ng mga Nagsisimulang Kumpanya:

1) Pang-araw-araw na balita ng mga nagsisimulang kumpanya

2) Buwanang mga buod ng balita

Basahin ang buwanang koleksyon ng balita para sa 17 bansa sa website ng Startup News Asia.

3) Mga balitang teknolohikal tuwing ikatlong buwan

Maaari kang humingi ng isang 90-pahinang koleksyon ng mga huling 3 buwan na balita bilang nakaimprentang publikasyon.

Maaari mo ring basahin ang mga balita ng tuwing ikatlong buwan para sa bawat bansa sa website ng Startup News Asia.

4) Balita ng mga nagsisimulang kumpanya – Taunang Koleksyon

Gumagawa kami ng isang taon-taon na koleksyon ng mga nagsisimulang kumpanya sa Asya bilang sanggunian
na maaari mong bilhin na nakaimprenta.

Ang mga bansa na saklaw namin

Kasalukuyan kaming nagtitipon ng mga balita para sa 17 bansa sa malawak na rehiyon ng Asya-Pasipiko.

Maliwanag, ang ilang mga bansa ay mas aktibo sa teknolohiya kaysa sa iba; at kasalukuyang kami ay limitado sa mga ulat ng balita sa Ingles, hindi ang sariling wika ng bawat bansa.

  1. Australya
  2. Kambodya
  3. Tsina
  4. Hong Kong
  5. Indya
  6. Indonesya
  7. Hapon
  8. Timog Korea
  9. Malaysia
  10. Myanmar
  11. Niyusiland
  12. Pilipinas
  13. Singapore
  14. Sri Lanka
  15. Taywan
  16. Thailand
  17. Byetnam

Mga pag-unlad sa 2019

Sa taong ito kami ay maglulunsad ng 2 higit na mahalagang karagdagan sa aming mga balita at mga aktibidad panglathala ng mga nilalaman.

Sa maikling salita, mananatili silang mga aktibidad ng Startup News Asia, ngunit sa kalaunan ay magiging magkakahiwalay na mga channel.

1) Plataporma ng Paglalathala

Ang plataporma ay hinahayaan kang gumawa ng mga publikasyon na pwede mong iimprenta, na nagkokonekta ng bawat artikulo sa isang pinagkukuhaan online para sa higit pang impormasyon.

Ang plataporma ay nakatuon sa mga balita, ngunit maaaring gamitin ang anumang item sa online – ang blog mo, videos mo, at mga tindahan online. Ang user ang magpapasya.

Dahil nagbibigay kami ng koneksyon mula sa pag-print sa web, maaari mong malaman kung ano ang gusto ng iyong mga mambabasa – nangangahulugan iyon na binibigyan mo ang iyong mga mambabasa ng kung ano ang nais nila, kasama ang mahanap ang tamang mga advertiser.

2) Mobile app – Android

Ang app ay naghahatid ng aming balita sa iyong telepono upang hindi mo na kailangang bisitahin ang maraming mga site ng balita o mga social media channel.

Pinapanatili ng app ang isang listahan ng iyong nabasa upang maaari mong basahin itong muli sa ibang pagkakataon, o
ibahagi ito sa iyong mga kasamahan at kaibigan. Maaari mo ring ibahagi ang mga item ng balita sa iyong mga paboritong social media platform.

Ang app ay bahagi ng aming mas malaking proyekto sa pag-lathala at mayroon ding isang scanner ng QR code upang magamit sa aming naka-imprentang balita.

Sino ang namamahala sa Startup News Asia?

Ang pangalan ko ay Wade Wright

Nagtrabaho ako sa mga organisasyon ng gobyerno, komersyal at di-kumikita na organisasyong gumagawa ng website at mga pag-iimprentang proyekto sa buong Asya, Australya at Reyno Unido.

Ang aking layunin ay upang bumalik sa Asya, upang magtayo ng negosyo sa paglathala ng plataporma sa tulong ng programa ng paglilimlim, o sa isang propesyonal na posisyon na may isang kapani-paniwala na kumpanya.

Para sa karagdagang kaalaman:

Filipino / tagalog Translation service

This translation from English to Tagalog was delivered by Leidiarenas, via Fiverr.

She can translate from English to Tagalog, from Tagalog to English, from Spanish to English and a range of other translation options.

Promote your tech startup news

© 2020 STARTUP NEWS ASIA

Theme by Anders Norén